Sa aking pag-iisip kung ano ang talaga ang blog title ko, biglang pumasoksa isip ko na since bahaghari ang title ng tula na ipopost ko napagisip-isip ko na color of mine nalang kasi kung aking babalikan, makulay naman talaga ang aking buhay kahit sa tingin ng iba ay madilim.
Friday, September 23, 2011
Bahaghari
kay gandang pagmasdan
bahaghari sa kalangitan
ano nga ba ang dahilan
kanilang pinagmulan
saan nga ba at kailan?
makulay na bahaghari
mga mensahe nito'y sari-sari
sa hapon aking nawari
napakatamis na ngiti
ang aking ipinashayang ang aking labi.
nang akin itong nasilayan
galak ang naramdaman
'pagkat hugis nito'y kalahating buwan
sakop ang boung kabayanan
sa sobra nitong kalakihan.
hindi ko maipinta
aking nadarama
kay ganda talaga
tuwing akin itong nakikita
tila ako'y may naalala.
pula, dilaw, asul,
pangunahing kulay
bahagharing likha
nang poong maykapal
na nagbibigay kulay sa ating buhay.
bahaghari, bahaghari
nagbibigay palamuti
sa lawak ng kalangitan
kahali-halina pag ito'y pinagmasdan
wangis nito'y mala kristal.
pagmasdan, pagmasdan
bahaghari sa kalangitan
tila bagong simulain
ang aking nasisilayan
at nagsasabing wala itong hangganan.
oh, bahaghari, bahaghari
bagong pag-asa ang hatid
sa mga taong puso'y sawi
'pagkat di nila batid
ang mensahe mong hatid.
nais kong marating
dulo ng karimlan
nang aking mapatunayan
tunay nitong kagandahan
nang sa gayo'y ako'y maligayahan.
kailan kaya muling sasapit
araw ng pagbabalik
tila ako ay nanabik
sa muling pagsapit
nang bahagharing aking sinasambit.
bahaghari sa kalangitan
ano nga ba ang dahilan
kanilang pinagmulan
saan nga ba at kailan?
makulay na bahaghari
mga mensahe nito'y sari-sari
sa hapon aking nawari
napakatamis na ngiti
ang aking ipinashayang ang aking labi.
nang akin itong nasilayan
galak ang naramdaman
'pagkat hugis nito'y kalahating buwan
sakop ang boung kabayanan
sa sobra nitong kalakihan.
hindi ko maipinta
aking nadarama
kay ganda talaga
tuwing akin itong nakikita
tila ako'y may naalala.
pula, dilaw, asul,
pangunahing kulay
bahagharing likha
nang poong maykapal
na nagbibigay kulay sa ating buhay.
bahaghari, bahaghari
nagbibigay palamuti
sa lawak ng kalangitan
kahali-halina pag ito'y pinagmasdan
wangis nito'y mala kristal.
pagmasdan, pagmasdan
bahaghari sa kalangitan
tila bagong simulain
ang aking nasisilayan
at nagsasabing wala itong hangganan.
oh, bahaghari, bahaghari
bagong pag-asa ang hatid
sa mga taong puso'y sawi
'pagkat di nila batid
ang mensahe mong hatid.
nais kong marating
dulo ng karimlan
nang aking mapatunayan
tunay nitong kagandahan
nang sa gayo'y ako'y maligayahan.
kailan kaya muling sasapit
araw ng pagbabalik
tila ako ay nanabik
sa muling pagsapit
nang bahagharing aking sinasambit.
Tuesday, September 13, 2011
Sunday, September 11, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)