Monday, September 26, 2011

Friday, September 23, 2011

Blue Evening

Under the White Shoes

Bahaghari

kay gandang pagmasdan
bahaghari sa kalangitan
ano nga ba ang dahilan
kanilang pinagmulan
saan nga ba at kailan?


makulay na bahaghari 
mga mensahe nito'y sari-sari
sa hapon aking nawari
napakatamis na ngiti
ang aking ipinashayang ang aking labi.


nang akin itong nasilayan
galak ang naramdaman
'pagkat hugis nito'y kalahating buwan
sakop ang boung kabayanan
sa sobra nitong kalakihan.


hindi ko maipinta 
aking nadarama
kay ganda talaga 
tuwing akin itong nakikita
tila ako'y may naalala.


pula, dilaw, asul,
pangunahing kulay
bahagharing likha 
nang poong maykapal
na nagbibigay kulay sa ating buhay.


bahaghari, bahaghari
nagbibigay palamuti 
sa lawak ng kalangitan
kahali-halina pag ito'y pinagmasdan
wangis nito'y mala kristal.


pagmasdan, pagmasdan
bahaghari sa kalangitan
tila bagong simulain 
ang aking nasisilayan
at nagsasabing wala itong hangganan.


oh, bahaghari, bahaghari
bagong pag-asa ang hatid
sa mga taong puso'y sawi
'pagkat di nila batid 
ang mensahe mong hatid.


nais kong marating 
dulo ng karimlan
nang aking mapatunayan 
tunay nitong kagandahan
nang sa gayo'y ako'y maligayahan.


kailan kaya muling sasapit
araw ng pagbabalik
tila ako ay nanabik
sa muling pagsapit
nang bahagharing aking sinasambit.